Sa kauna – unahang pagkakataon sa kasaysayang ng ating paaralan ay inilunsad ang DepEd Synchronized Supreme Pupil Government (SPG) Automated Election na ginanap noong ika -14 ng Pebrero, 2020.
Sa pangunguna ng ating butihing punungguro na si Bb. Eden E. Dioquino, kasama sina Gng. Annielyn B. Neri, guro at Tagapamatnubay ng Supreme Student Government, Maria Heidi C. Manzano, ICT2, Mary Joy T, Cay, ICT1, mga opisyales ng SPG at mga piling mag – aaral ay kaagad silang nagpulong para sa gaganaping Synchronized Automated Election.
Buong husay na ginampanan ng mga mag – aaral ang kanilang mga tungkulin sa ginanap na halalan na pinamunuan ni Ritchel P. Lorica, Pangulo ng SPG 2019. Kahanga – hanga rin ang ipinamalas nilang dedikasyon.
Pinangasiwaan naman ni G. Ivan S. Grulla ang isang debate at Miting de Avance na naranasan at nasaksihan rin ng mga mag – aaral sa unang pagkakataon. Naging daan ito upang maipakita ng bawat partido ang kanilang husay sa pagsasalita at ang kakayahang maglingkod.
Ayon sa kinatawan ng Youth Formation Division na si Madam Leah Bautista isang tagumpay ang naganap na halalan dahil sa sama – samang pagtutulungan ng buong kinatawan ng Paaralang Padre Zamora Elementary School.