Menu

Atleta ng PZES, Wagi sa Division Palaro 2023

Ang mga atleta ng mahal nating paaralang Padre Zamora Elementary School ay nakasungkit ng mga medalya sa ibat ibang kategorya ng Division Palaro na ginanap noong Pebrero 28, 2023 at nagtapos nitong Marso 18, 2023.

Tagumpay ang TAEKWANDO TEAM sa pamumuno ng kanilang mga coaches – Mrs. Angelique S. Bulan at Jairo V. Sese sa mga sumusunod na mga kategorya: POOMSAE -Boys – Kenn Rafael Viliran (Gold-Category A), Wellbright Oscar Nogar III (Gold-Category B); Team- Kenn Rafael Vilira, Wellbright Oscar Nogar  III (Gold); Girls – Princess Unice Magluyan (Silver- Category A), Riyah Samantha Lorica (Gold- Category B); Mixed: Jhosh Ronin Guanlao & Angelica (Gold); Team- Gold; KYORUGI- Boys: Rodxylle Kirk Manalang (Gold- Group 1), Miguel Dray Yapo (Gold- Group 2), Zacharie James Torres (Gold- Group 3); Girls: Jhezel De Guzman (Gold- Group 1), Zyrin Nicole Bulan (Gold- Group 2).

Sa pamumuno naman nina G. Michael Tordil at G. Andrew Capilitan, nakasunggit din ng panalo ang mga kalahok ng paaralan sa larangan ng Track and Field. ATHLETICS GIRLS: Akiko Drielle S. Mata – Shotput (Gold) Regional qualifier; Javelin (Bronze) – Ma. Fatima A. Yoro; 400md (Silver). ATHLETICS BOYS:  Rhen Alvin M. Mendoza – 1500m (Silver); Prince Marco D. Lorilla – 1500m ( Bronze), 800m (Bronze).

 

Naibuslo naman ng mga batang kalahok sa larangan ng basketball sa pangunguna ng kanilang coach na si G. Ronald V. Rivera ang ika – apat na pwesto.

Nagpakitang gilas din ang mga batang kalahok sa larong Chess sa gabay ng kanilng mga coaches na sina G. Michael Brtos at Gng. Mary Joy Cay. Sinalihan ito nina John Stephen S. Macarato (Round 1); Ayesha Cassandra R. Latayan (Round 2) ; Joshualorenz H. Sanchez; John Stephen S. Macarato at Dannielle Frances R. Latayan (Round 3).

 

Hindi rin nagpahuli ang mga kalahok sa PARAGAMES sa pagsasanay nina Gng. Edesa A. Sanchez (head coach) at Gng. Rowena V. Dagdag (Asst. Coach). Ang mga batang kalahok ay nag-uwi ng sumusunod na medalya: Event: Bocce – Team Category: Gold; Doubles: Gold; Singles (Boys): Silver; at Singles (Girls): Bronze.

 

Hindi man naiuwi ng mga atleta sa larangan ng volleyball ang panalo, ipinakita naman ng mga batang kalahok ang knilang galing sa paglalaro. Ito ay pinamunuan nina Bb. Genela Grace Cabanlet (coach – boys), at Bb. Annabelle Jacinto (coach – gilrs).

Ang mga batang manlalarong nanalo sa ilang kategorya ang magiging kinatawan ng Division ng Pasay sa Regional Competition.