Menu

F2F Cluster 2 Kindergarten Festival of Talents, Naidaos na sa Wakas!

Makalipas ang ilang taon ng pandemya, ang mga mag-aaral sa Kindergarten ng Division ng Pasay ay nagkaroon na ulit ng face-to-face Kindergarten Festival of Talents kung saan ipinamalas ng mga batang mag-aaral ang kani-kanilang talento.

Ang Cluster 2 Kindergarten Festival of Talents ay ginanap noong Marso 29, 2023 sa Juan Sumulong Elementary School, alas 8 ng umaga. Ang naturang kompetisyon ay binubuo ng tatlong paaralan: Padre Zamora Elementary School, Padre Burgos Elementary School at Juan Sumulong Elementary School.

Ang mga kategoryang sinalihan ng bawat eskwelahan na paglalabanan ay ang vocal solo, drawing, storytelling, story reading – Filipino, at folk dance (cariñosa). Ang mga mananalo o makakuha ng 1st place sa bawat kategorya ang siyang tatayong representante ng cluster para sa Division level na gaganapin sa Abril 21, 2023.

Ang Padre Zamora Elementary School ay hindi nagpahuli sa naturang patimpalak. Nakuha ni Kylo Gabriel Cruz ang 1st place sa kategoryang story reading (Filipino) na pinanutbayan ng kanyang guro na Si Bb. Anna Marie Cabading. Si Kylo ang magiging representante ng Cluster 2 para sa Division level.

Ang mga sumusunod na kalahok naman ay nakakuha ng 2nd place sa bawat kategorya. Vocal Solo: Princess Irish Kayla T. Zamora, sa pamamatnubay ni Bb. Maria Heidi C Manzano; Storytelling: Althea Felicity Quental A. Ramos; Drawing: Karissa Coleen D. Castillo na pinanutbayan ni Gng. Stefany May Indico-Señir.

Sa pamamatnubay naman ni Gng. Kennette Joy Munsayac, nakuha din nina Tristan Dequino, Ne-yo Emmanuel R. Rosarial, Sean Bryle T. Tengco, Athena Nikki B. Manaol, Joey Faith Dominique F. Mangalino, Amiah Kaylee G. Ponciano, Maria Anika P. Austria at Schuyller B. Neri ang 2nd place sa folk dance (cariñosa).

Mura man ang isip ng bawat batang kalahok, naipakita naman nila ang kani-kanilang talento na maari pa nilang linangin at paunlarin.